Inspire

Friday, March 18, 2011

Ang daming mga hula at prediksyon ang lumalabas ngayon, kaya naman ang mga tao, may mangyari lang na maliit na bagay, ayun, inuugnay agad sa katapusan ng mundo o 'yung 2012. Ang ilan, masyadong pinapalala ang mga bagay bagay, ang wild ng imagination. Bago pag-isipan at alalahanin ang mga katakot takot na pwedeng mangyari sa mundo, hindi ba pwedeng ayusin muna ang sira sa sarili? Iayos ang mga mali at alamin kung paano maiaalis ang sarili sa pagkalugmok sa kasalanan, sa tukso, at sa anumang kasamaan? Bigyan ng importansya ang oras sa pamamagitan ng paglalaan nito kasama ang mga mahal natin sa buhay at pagbibigay kasiyahan at kaluguran sa Panginoon? Bakit imbes na mag-alala, na alam naman nating walang maidudulot na mabuti, bakit hindi na lang isipin kung paano makapamumuhay ng malinis at ng ayon sa kagustuhan ng Panginoon? Imbes na mag-alala, matakot at manakot, bakit hindi na lang tayo magdasal at magtiwala sa pagmamahal ng ating Panginoon? Kung ito lang ay ating magagawa, hindi ganito kalaking takot ang ating mararamdaman dahil alam natin na kahit na ano'ng mangyari, ang Panginoon ay nasa tabi natin, gumagabay at nakayakap sa atin. Ako man ay nahihirapan gawin ang mga bagay na 'yan, ngunit kung gugustuhin natin at magkaroon ng malaking pananampalataya, magagawa natin. Natatakot din ako. Ngunit iniisip ko na lang nandiyan ang Panginoon bilang ating proteksyon. Alam natin na hindi niya hahayaang tayo ay masaktan at mapinsala. Kung tatanungin mo, bakit naman nagkakaroon ng ganitong mga pangyayari - ang lindol, tsunami, giyera, patayan at kung anu-ano pa, hindi Siya ang may gawa ng mga 'yan, tayong mga tao ang nagpahintulot na mangyari ang mga pangyayaring 'yan. Ako man ay natatakot kapag naiisip ko ang mga bagay na sinasabing mangyayari sa 2012, ngunit hindi nga ba't walang nakakaalam nito, kung hindi ang Diyos? Tanging ang Diyos ang nakakaalam at wala ng iba. Malaki ang aking paniniwala na mababasa mo at mababasa ko pa 'to sa taong 2012, 2013,2014, at sa mga susunod pang mga taon at tayo'y magpapasalamat sa Diyos dahil nananatili at nagsasaya pa din tayo dito sa mundo, masayang pinagmamasdan ang kagandahan sa paligid na sinasabing masisira at mawawala na nga daw.  :)) 

God loves us! :))

No comments:

Post a Comment